O KARNE, LAYUAN MO AKO!

Nila Mischelle de Lara at Jasmine Rivera



Ngayong Mahal na araw, hindi kaila sa kaalaman ng mga Katoliko na hindi maaring kumain ng karne sa panahong ito lalo na pagsapit ng Biyernes Santo, kahit pa maraming Pilipino na talagang mahihilig sa karne.

At dahil dito, ito ang ilang tips na maaring makatulong sa pag-iwas ng pagkain ng karne ngayong Semana Santa.

Ihanda ang sarili – “Mind over matter” ayon nga sa isang kasabihan, dapat ihanda na mentally ang pag-iwas sa karne at iayon ang puso  sa pag-aayuno.

Ihanda ang refrigerator – Kahit nakakatawang isipin, talagang kailangan nating maging smart sa pagbili at pagsa-stock ng pagkain. Iwasan na ang pagbili bago pa man din mag-Semana Santa ng mga processed meat, at mas maayos na bumili nalang ng mga isda, gulay at prutas. 

Planuhin ang mga kakainin o lulutuing ulam sa darating na Semana Santa. Maaaring isulat ito sa isang bond paper at idikit sa parte ng bahay na madaling makita o sa kusina.

Halimbawa:

Umagahan
Tanghalian
Hapunan
Huwebes Santo
Itlog na maalat
Ginisang ampalaya
Inihaw na tilapia
Biyernes Santo
Tuyo
Sinigang na bangus
Tortang talong

Narito pa ang ilan sa mga pagkain na maaaring lutuin:

Paksiw
Pangat
Sinigang na bangus
Inihaw na isda (tilapia o bangus)
Tuyo
Ginisang ampalaya/upo/patola
Munggo
Tortang talong
Pinakbet
Lumpiang gulay
Lumpiang toge
Adobong sitaw
Ginataang mais
Itlog na maalat

Maaari rin namang iulam ang mga sumusunod na processed foods:
Corned tuna
Mackerel (pwedeng lutuin at samahan ng miswa)
Sardinas
Pusit (ready to eat/ in can)

Ituon ang isip sa pagninilay o pagmu-muni muni. Sumama sa mga gawaing pang debosyon. Maaari ka ring magdebosyon mag-isa sa pamamagitan ng pagdadasal at pagbabasa ng Bibliya.


Ilan lamang ito sa mga paraan kung paano makaiwas sa pagkain ng karne na maaring makatulong sa pag-aayuno ng mga Kristyano. Higit sa lahat ang pagfa-fasting ay hindi lang dapat patra lang magpapayat kundi mas lalo nating mabigyang pansin ang ating relasyon sa ating Panginoon.

No comments

Powered by Blogger.